Wednesday, May 28, 2014

(TAGALOG) Nasubukan mo na ba sa mundo ko???

walang laman ang aking diwa habang tinatahak ko ang kahabaan ng kalsada pauwi… 
hindi ko namamalayang malapit na ako sa terminal ng mga jeep… 
bakit ganun?? 
bakit sa mundong tulad natin ay hindi makuntento sa isang bagay.. 
bagay na lagi nating inaasahan kahit alam natin na sapat na ito… 
ngunit parang kulang pa rin.. 
at sa paglipas ng panahon, pilit paring nating inaabot hanggang tayo ay magsawa at ibaling na lang sa ibang aspeto ng atensyon. 

Tao lang tayo.. 
hindi natin kailangan bigyan ng impresyon ang mga bagay na alam natin na ganoon lang talaga sya at hindi na maaring baguhin pa.. 
ang paghahangad ng mas pa don.. ay parang sinabi mo na kailangan mong abutin un hanggang isugal mo ang iyong puso’t kaluluwa at ang pinakamataas na antas… ang iyong kaukulang buhay… 

Hindi ko sinisisi ang Diyos sa pagiging ganito o pagiging ganyan.. 
ang mahalaga sakin, binigyan nya ako ng pagkakataon… 
pagkakataon na pakinggan ang tinig ng ibon at ng hangin… 
damhin ang tubig sa karagatan at lasapin ang init ng araw… 
makita ang buong kapatagan habang ang ulap sa langit at parang mga bulak na hinihigaan ko sa aking pagtulog… 

Ngunit may mga aspeto sa buhay na hindi lahat binibigay ng Diyos sa atin.. 
ito ang mga bagay na dapat nating tuklasin, pag-aralan at pahalagahan… 
tulad ng mga unang titik at salitang ating binigkas ng tayo’y mga bata…. 
ang Abakada at ang "Papa at Mama" 
mga paggalang tulad ng Po at opo….. 
tulad ng mga parte ng katawan.. mga operasyon sa matematika ang mga nota sa musika… 
mga buhay din.. 
buhay na ang laki ng sakop sa ating mundong ginagalawan.. 
ngunit… sapat na ba ito para maging isang tunay na tao.. 

naranasan mo na bang umibig?? 
iibig lang pala e… sabi nila, madali lang ang umibig.. 
oo, madali sa madali.. pero nasubukan mo na ba sa mundo ko??? 
naranasan mo na ba na ang isang linggo ay katumbas ng isang taon?? 
na ang mga pisikal na koneksyon ng dalawang tao ay hindi mawawala sa mga isipan nila?? 
na ang salitang "mahal kita" ang madaling bigkasin na hindi mo na kailangan maramdaman?? 
na ang pisikal na kaanyuan ay isang malaking aspeto na dapat bigyan ng pansin.. dahil kung hindi… hindi mo talaga mararansan ang umibig… 
na ang tao sa mundo ko ay hanggang salita lang??? 

hayyy.. buhay nga naman.. 
hindi natin alam kung saan tutungo.. 

Pero ang alam ko.. 
totoo ako sa sarili ko.. 
hindi ko kailangang bumitaw ng salita upang mapansin ng madla.. 
hindi ako perpekto.. 
Tao nga lang….. sabi nga nila.. 
ngunit.. ang pagiging tao ko.. pinupunan ko ng.. 
buong katapatan.. 
buong puso.. 
at 
buong pananalig sa Diyos…..

No comments:

Post a Comment